NAIA porter isinoli napulot na $7,000

By Jan Escosio April 20, 2024 - 03:05 PM

Isa na naman porter sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) porter ang nagpakita ng katapatan.

Isinoli ni Irwin Diana ang napulot na $7,000 na may katumbas na halos P400,000.

Nabatid na ang pera ay nasa black pouch nang mapulot sa pagitan ng Bays 5 at 6 sa Arrival Area ng NAIA Terminal 3 ala-7 ng umaga kahapon.

Ayon kay Diana nang buksan niya ang pouch ay naglalaman ito ng 70 piraso ng $100.

Agad na dinala ni Diana ang napulot na pera sa Lost and Found Section ng Terminal 3.

Sinabi niya na hindi siya nagdalawang isip na isoli ang pera dahil pag-aari ito ng ibang tao.

Noon lamang Abril 13, isinoli naman ng porter na si Victor Perez ang napulot na $10,000 na nahulog ng isang Korean national.

Nakatakdang parangalan ng Manila International Airport Authority (MIAA) sina Perez at Diana, gayundin ang isang guwardiya na nagsoli kamakailan ng isang bag na naglalaman ng mamahaling gadgets.

 

 

 

TAGS: honest, NAIA T$, honest, NAIA T$

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.