Nakipag-away sa partner, bebot muntik mag-suicide sa Manila motel

By Jan Escosio April 20, 2024 - 02:44 PM

Tinangka ng isang 18-anyosna dalaga na magpakamatay sa isang motel sa Quiapo, Maynila kaninang umaga.

Base sa ulat ng Manila Police District (MPD), ala-5:33 ng madaling araw nang mag-check in sina Princess Shakira Joseco, ng Barangay Upper Bicutan, Taguig City at ang kanyang live-in partner na si Jordan Satol sa Winter Hotel sa Hidalgo street.

Nagkaroon ng mainitang pagtatalo ang magkasintahan at pasado alas-9 ng umaga ay nagkaroon ng komosyon sa lugar na napansin ng mga nagpapatrulyang pulis.

Nasa bintana ng Room 1214 si Joseco at nagbabalak na tumalon para magpakamatay.

Nagkaroon ng negosasyon hanggang sa makumbinsi ni Police Lt. Col. Romeo Estabillo si Joseco na huwag nang ituloy ang balak.

Hindi nabanggit sa ulat ang ugat ng pagtatalo ng magkasintahan.

 

 

TAGS: attempted suicide, boyfriend, attempted suicide, boyfriend

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.