Inanunsiyo ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) ang pagtataas ng yellow alert sa Luzon grid mamamayang gabi.
Ito ay simula ala-6 hanggang alas-10. Nabatid na alas-7 ng gabi ang available capacity ay 12,048, megaWatts samantalang ang peak demand naman ay 11,246 megaWatts. May 22 power plants ang walang operasyon, samantalang may isa pa na nagbawas ng kapasidad. Nangangahulugan na nawala ang 2,325 megawatts. Samantala, ayon sa NGCP, normal ang kondisyon naman sa Visayas grid.MOST READ
LATEST STORIES