Chinese Embassy nilusob ng ABKD dahil sa pambu-bully sa WPS

By Jan Escosio April 20, 2024 - 10:54 AM

Tutol ang Alyansa Bantay Kalayaan at Demokrasya sa umanoy “gentleman’s agreement” nina dating Pangulong Duterte at China.

Nagsagawa ng kilos-protesta ang Alyansa Bantay Kapayapaan at Demokrasya o ABKD sa Embahada ng China sa Makati City at kinondena ang nagpapatuloy na “bullying tactics” sa West Philippine Sea (WPS).

Ayon kay RJ Villena Jr., ang lead convenor at tagapagsalita ng alyansa, nararapat lamang na itigil na ng China ang pangha-harass sa mga Filipino, lalo na sa mga mangingisda maging sa loob ng kinikilalang exclusive economic zone (EEZ) ng Pilipinas.

“Kami, ay mula sa iba’t-ibang samahan at sektor sa pangunguna ng mga kabataan ay nagsama-sama at itinatag ang bagong katipunan ng mamamayang Pilipino; ang  at may layuning pagkaisahin at pakilusin ang malawak na mamamayan para suportahan ang lahat ng programa, polisiya, at hakbang ng administrasyong Marcos, Jr.,” aniya.

Diin niya dapat ay kilalanin at irespeto ng China ang 2016 2016 Arbitral Ruling na pumabor sa Pilipinas at ang United Nations Convention of the Law of the Sea (UNCLOS).

Dagdag pa niya, hindi din dapat kilalanin ang sinasabing “gentleman’s agreement” sa pagitan nina dating Pangulong Duterte at China sa katuwiran na hindi ito ayon sa mga  batas.

“Kami din ay nanawagan sa lahat ng mga Pilipino, matataas na lider ng bansa at mga mambabatas sa kongreso na magkaisa at itigil na ang mga panawagang panggugulo. Bagkus, ay tumindig at manindigan laban sa pangbu-bully ng Chinese Coast Guard sa mga sundalo at mangingisdang Pilipino sa WPS at EEZ ng Pilipinas ,” sabi pa ni Villena.

Suportado din  ng grupo ang pagbabalik ng mandatory Reserved Officers’ Training Corps (ROTC) program.

TAGS: Bullying, WPS, Bullying, WPS

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.