Digong mananatili sa Partido Demokratiko Pilipino, Laban inilaglag

By Jan Escosio April 20, 2024 - 10:39 AM

   Si dating Pangulong Duterte at ang mga opisyal ng PDP sa kanilang national council meeting sa Cebu City. (PDP PHOTO)Inanunsiyo ni dating Pangulong Duterte na manatatili siya sa Partido Demokratiko Pilipino.

Ginawa ito ni Duterte sa ika-42 anibersaryo ng partido sa Cebu City kasabay nang paglaglag sa  Lakas ng Bayan (Laban) matapos ang botohan.

Sa ginanap na national council meeting, sinabi ni Duterte na hindi din siya pagkontra sa pagpapapalit-palit ng partido-pulitikal at aniya hindi niya hinuhusgahan ang mga gumagawa nito.

Dagdag pa niya na babaligtad lamang siya ng partido sa ngalan ng kanyang prinsipyo.

Marami sa mga miyembro ng PDP ang lumipat sa Lakas-CMD party ni House Speaker Martin Romualdez at Partido Federal ng Pilipinas, kung saan naman kabilang si Pangulong Marcos Jr.

 

TAGS: duterte, PDP, duterte, PDP

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.