Walumput-apat na buhay na spiderlings o mga batang gagamba ang nadiskubre at kinumpiska ng mga ahente ng Bureau of Customs – NAIA sa Central Mail Exchange Center sa Pasay City.
Nabatid na idineklarang “origami” mula sa Poland ang naturang kargamento at ang consignee ay taga-Binan City sa Laguna.
Binuksan ang parcel matapos mapuna ang mga kadudadudang imahe sa loob ng sumailalim ito sa x-ray scanning.
Ayon sa BOC, ito ay paglabag sa Customs Modernization and Tariff Act (CMTA) at sa Wildlife Resources Conservation and Protection Act.
“The dedication of the BOC in preventing smuggling is a crucial barrier against exploitation of wildlife, and in maintaining robust national biosecurity and ecological balance,” ani Customs Comm. Bienvenido Rubio.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.