Patuloy ang pagsusulong ni Senator Cynthia Villar sa urban agriculture at home gardening para matugunan ang pangangailangan sa pagkain ng lumulubong populasyon ng bansa.
Ayon kay Villar habang dumadami ang mga Filipino tumataas ang pangangailangan at konsumo sa pagkain.
Sinabi ng namumuno sa Senate Agriculture and Food Committee matagal na niyang sinimulan ang urban agriculture sa kanilang bahay sa Las Piñas City at ipinapangaral niya ito sa ibat-ibang dako ng bansa.
“Mahalaga sa ating mag papalay ang pagkakaroon ng cash crop habang naghihintay ng pag ani, at ito ay ang pag tatanim ng gulay, pagdikit nito sa mamimili, at pagsunod sa good agricultural practices o GAP,” aniya.
Ibinahagi din niya na ang kanilang pamilya ay may apay na farm schools, isa sa Las Piñas – Bacoor para sa NCR, Regions 4A-4B at Region 5; sa San Jose Del Monte City, Bulacan para sa Central, Northern Luzon at Cordillera; San Miguel, Iloilo para sa Visayas atDavao City para naman sa Mindanao.
Namamahagi din siya ng vegetable seeds para sa mga nais subukan ang home gardening.
“This will ensure the availability of affordable and nutritious foods for Filipino families.This can also provide livelihood since the products are brought to the market,” ang mensahe ng senadora sa pagdalo sa Harvesting Festival and Farmer’s Field School Graduation ng Upscaling of the ‘Gulayan sa Palayan at Pagnenegosyo’ sa Castillejos, Zambales.