Ilang bahay sa Mandaluyong City natupok

By Jan Escosio April 20, 2024 - 09:22 AM

Dikit-dikit ang mga bahay na natupok sa Barangay Plainview, Mandaluyong City kaninang madaling araw. (MANDALUYONG CITY DRRMO PHOTO)

Nagkaroon ng sunog sa isang residential area sa Mandaluyong City kaninang madaling araw.

Base sa paunang impormasyon, ala-5:08 nang magsimula ang sunoghabang maraming residente pa ng  Sto. Rosario sa Barangay Plainview ang natutulog.

Umabot pa ang sunog sa 2nd alarm bago tuluyang naapula ala-6:02 ng umaga.

Inaalam pa ang sanhi ng sunog at ang halaga ng mga napinsalang ari-arian.

 

 

TAGS: residential, sunog, residential, sunog

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.