Lapid: Pagbaha sa UAE malagim na paalala ng “climate change”
Nagpa-abot ng kanyang pakikiramay si Senator Lito Lapid sa mga pamilya ng tatlong overseas Filipino workers (OFWs) na nasawi dahil sa matinding pagbaha sa United Arab Emirates (UAE).
Sinabi na lamang din ni Lapid na ang pagbaha ay malagim na paalala sa lahat ng pagbabago ng klima sa buong mundo.
Aniya hindi dapat isantabi ang katotohanan na saan man dako ng mundo ay may mga panganib na maaring maranasan ng mga Filipino.
“Sa panahon ngayon na maraming digmaan, lindol at ibat-ibang pang mga kalamidad, dapat manatiling handa ang ating mga kababayan at pamahalaan na tumugon sa mga hamon kailanman ito dumating,” sabi ng senador.
Muli ay binigyang-pugay ni Lapid ang OFWs sa ibat-ibang dako ng mundo sa kanilang pagsasakripisyo upang maitaguyod ang kanilang pamilya maging ang ekonomiya ng bansa.
Ipinanawagan na rin nito sa mga kinauukulang ahensiya ng gobyerno ang agad na pagpapauwi ng mga labi ng tatlong nasawing OFWs at ang pagbibigay ng lahat ng tulong sa mga naiwang pamilya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.