Sen. Pia Cayetano ikinalugod ang bagong MRI, CT scan equipment sa PCMC
Labis na ikinatuwa ni Senator Pia Cayetano ang pagdating ng bagong MRI at CT scan equipment sa Philippine Children’s Medical Center (PCMC) sa Quezon City.
Naging susi si Cayetano upang mapondohan ang pagbili ng mga bagong makabagong kagamitan, maging sa mga imprastraktura sa nabanggit na ospital.
Dahil sa mga makabagong kagamitan, makakapagbigay ang ospital ng mas mahusay na serbisyo sa mga batang pasyente.
Nabatid na ang MRI TESLA ang kauna-unahan sa bansa.
“These equipments would allow us to serve more children and help our medical personnel diagnose their patients faster and better,” sabi ni Cayetano.
Dahil sa tulong ng senadora napaayos ang Radiology Division ng PCMC matapos ang 40 taon.
Bago pa ito, dumalo din si Cayetano, kasama si Sen. Bong Go, sa paggunita sa World Liver Day sa PCMC.
Sa kanyang mensahe, naibahagi niya na ang kanyang ama, ang yumaong Sen. Rene Cayetano, ay isang liver patient.
Naikuwento din niya na siyam na buwan siyang namalagi sa ospital para sa kanyang bagong silang na anak na si Gabriel, na ipinanganak na may trisomy-13, isang rare genetic condition.
Sa huling bahagi ng kanyang mensahe, pinapurihan ni Cayetano ang mga doktor at healthcare workers sa kanilang ibinibigay na serbisyo at pag-aalaga sa mga pasyente.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.