CHED chief: Walang Chinese studes sa public HEIs sa Cagayan sa private lang

By Jan Escosio April 19, 2024 - 09:58 AM

Sinabi ng CHED na may “internalization efforts” sa HEIs kayat tumatanggap ng mga banyagang estudyante. (CHED PHOTO)

Inamin ni Commission on Higher Education (CHED) Chairman Prospero de Vera III na maraming Chinese students sa isang pribadong unibersidad sa Tuguegarao City.

Ngunit, sinabi din ni de Vera, na wala kahit isang Chinese citizen ang naka-enroll sa anumang public higher education institutions (HEIs) sa Cagayan.

“But there is a significant number of Chinese students enrolled in Saint Paul University Philippines (SPUP) – Tuguegarao City,” ani de Vera.

Paliwanag ng opisyal ang SPUP ay may awtonomiya na tumanggap ng mga banyagang estudyante at ito ay bahagi ng tinatawag niyang “internalization efforts” ng HEIs sa bansa.

“The foreign students are attracted by the affordable cost of quality education, the use of English as a medium of instruction, and the globally recognized quality of instruction in such fields as medicine, dentistry, optometry, physical therapy, public health, and engineering,” katuwiran ng opisyal.

Sinabi pa ni de Vera na ang mga reklamo ng mga paglabag sa kaugnay sa mga banyagang estudyante ay maari ipaabot sa Inter-Agency Committee on Foreign Students, na binubuo ng Department of Foreign Affairs, Department of Education (DepEd), Bureau of Immigration, National Intelligence Coordinating Agency (NICA), National Bureau of Investigation (NBI) at CHED.

Ang pahayag na ito ni de Vera ay reaksyon sa mga pangamba at pag-aalala na maaring banta sa pambansang seguridad ang pagdagsa ng mga Chinese citizens sa Cagayan para mag-aral.

May mga alegasyon ukol sa “diploma-for-a-fee” modus na kinasasangkutan ng mga banyagang estudyante.

 

TAGS: CHED, foreign students, CHED, foreign students

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.