Work from home set-up hirit ni Go sa gov’t, private offices dahil sa init

By Jan Escosio April 19, 2024 - 09:37 AM

Umubra noong pandemiya ang work from home kayat inihhirit ito ni Sen. Bong Go ngayon tag-init. (OSBG PHOTO)

Hinikayat ni Senator Christopher “Bong” Go ang mga ahensiya ng gobyerno, kahit ang mga pribadong tanggapan na magpatupad ng “work from home policy” sa kanilang mga kawani dahil sa tumitinding init ng panahon.

Ikinatuwiran ng senador na ikinasa at umubra naman ang “WFH arrangements” noong kasagsagan ng Covid 19 pandemic kayat maaaring ikunsidera ito sa mga pampubliko at pribadong manggagawa ngayon tumataas ang temperatura ng paligid.

Binanggit din ni Go na ang Philippine Health Insurance Corporation (Philhealth) ay may heat stroke, sunstroke and heat exhaustion package na nagkakahalaga ng P6,500.

Bukod dito, libre din aniya ang pagpapa-check up sa health centers maging sa Super Health Centers.

Sinabi na ng PAGASA na sa mga darating na araw ay maaring humataw sa “extreme danger level” ang heat index sa bansa, nangangahulugan ito ng 52 degree Celsius pataas.

 

 

TAGS: heat stroke, work from home, heat stroke, work from home

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.