Inaresto ang sumisikat na food vlogger na si Diwata dahil sa isang kaso, na naisampa may anim na taon na ang nakakalipas.
Base sa impormasyon mula sa Southern Police District (SPD) isinilbi kay Diwata, na Deo Balbuena sa tunay na buhay, ang warrant of arrest sa puwesto ng kanyang pares sa Diokno Boulevard noong Martes.
Ang warrant ay inisyu ni Presiding Judge Allan Ariola, ng Pasay MTC Branch 48 noong Oktubre 2, 2018 dahil sa kasong slight physical injuries.
Makalipas ang dalawang oras ay pansamantalang nakalaya ang 42-anyos na si Balbuena matapos maglagak ng P3,000 piyansa.
Bago pa ito, humarap pa si Balbuena kay Pasay City Mayor Emi Calixto-Rubiano dahil sa mga reklamo na nagdudulot na ng trapik ang dinadayo niyang puwesto.
MOST READ
LATEST STORIES