DMW: Tatlong OFWs nasawi sa pagbaha sa UAE

By Jan Escosio April 18, 2024 - 08:28 PM

Kinumpirma ng Department of Migrant Workers (DMW) na tatlong overseas Filipino workers (OFWs) ang kabilang sa mga nasawi sa matinding pagbaha sa United Arab Emirates (UAE).

Sinabi ni acting DMW Sec. Hans Leo Cacdac dalawa sa tatlong Filipino ay nasawi sa loob ng kanilang sasakyan, samantalang ang isa naman ay namatay sa aksidente.

Ayon kay Cacdac nagpa-abot na sila ng mensahe ng pakikiramay at tiniyak ang buong suporta at tulong sa mga naulila ng tatlo.

Una nang inihayag ng DMW na patuloy ang pagpapaabot ng tulong sa OFWs ng kanilang Migrant Workers Office sa Dubai at Abu Dhabi.

Naghahanda pa ang kagawaran na mamahagi ng relief goods at mga pangunahing pangangailangan ng OFWs sa mga komunidad sa Al Ain at Dubai.

TAGS: OFWs, UAE, OFWs, UAE

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.