P200-M halaga ng shabu na idinaan sa NAIA nasabat

By Jan Escosio April 18, 2024 - 08:19 PM

Ang nasabat na 32 kilo ng shabu na nagmula sa Zimbabwe. (BOC-NAIA PHOTO)

Nakakumpiska ang mga tauhan ng Bureau of Customs – Ninoy Aquino International Airport (BOC-NAIA) ng isang package na naglalaman ng 32 kilo ng shabu.

Nabatid na idineklarang “machinery muffler” mula sa Zimbabwe ang laman ng package na nasabat sa Paircargo Warehouse sa Pasay City. Sumailalim sa pagbusisi ng  Customs Intelligence and Investigation Service,  x-ray screening ng X-Ray Inspection Project, at k9-dog sniffing bukod sa pysical examination ang package. Nakipag-ugnayan din ang BOC  sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at NAIA Inter-Agency Drug Interdiction Task Group kayat naaresto ang babaeng consignee ng droga na nagkakahalaga ng higit P218 milyon. Mahaharap sa mga kasong paglabag sa Customs Modernization Tariff Act at Comprehensive Dangerous Drugs Act ang naarestong suspek.

TAGS: NAIA, shabu, NAIA, shabu

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.