“Diploma factory” sa Cagayan ipinasisilip sa CHEd, Immigration Bureau

By Jan Escosio April 18, 2024 - 03:05 PM

Iniimbestigahan na ng ibat-ibang ahensiya ng gobyerno ang pagdagsa ng Chinese students sa Cagayan. (INQUIRER PHOTO)

Sinabi ni Senator Francis Tolentino na dapat ay masusing imbestigahan ng Commission on Higher Education (CHEd) at Bureau of Immigration (BI) ang napa-ulat na pagdagsa ng Chinese nationals sa isang pribadong unibersidad sa Cagayan.

Ayon pa kay Tolentino ang sinomang banyaga na mapapatunayang sangkot sa “diploma-for-a-fee” modus ay nararapat lamang na sipain palabas ng bansa matapos kanselahin ang student visa.

Una nang napaulat na dumagsa ang Chinese citizens sa Cagayan at nag-aaral sa pribadong unibersidad.

Ilang lokal na opisyal ang nagpahayag ng pagkabahala dahil sa mga impormasyon na binibili lamang ng mga banyagang estudyante ang diploma hanggang sa halagang P2 milyon.

Dagdag pa ni Tolentino dapat din alamin ng awtoridad ang dahilan sa pagkakapili sa Cagayan university ng mga estudyanteng Chinese.

TAGS: Cagayan, chinese, Cagayan, chinese

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.