PBBM pinara ang huli, multa at pag-impound sa e-trikes, e-bikes

By Jan Escosio April 18, 2024 - 02:36 PM

Bawal muna ang paghulin sa e-trike at e-bikes base sa utos ni Pangulong Marcos Jr. (MMDA PHOTO)

Hindi na muna muling huhulihin at pagmumultahin ang mga mahuhuling gumagamit ng e-tricycles at e-bicycles sa mga pangunahing lansangan.

Sa kanyang “X” post, sinabi ni Pangulong Marcos Jr., na inatasan na niya ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at nga lokal na pamahalaan na bigyan ng palugit ang e-trikes at e-bikes at iba pang mga sasakyan na sakop ng bagong polisiya ng Metro Manila Council (MMC).

“Kailangan pang magbigay ng sapat na panahon para sa malawak  na pagsisiwalang ng impormasyon hinggil sa ban na ating ipinatutupad,” ani Marcos.

Dagdag pa ng Punong Ehekutibo, kapag napara ng mga awtoridad ang mga nagmamaneho ng mga nabanggit na sasakyan, ituturo lamang sa kanila ang mga kalsada kung saan sila maaring  bumagtas.

Ipapaalala din sa kanila ang bagong patakaran at ipapaliwanag na ito ay para sa kaligtasan at kaayusan sa mga lansangan.

TAGS: e trike, grace period, e trike, grace period

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.