DMW nakatutok sa OFWs sa Dubai, Abu Dhabi dahil sa pagbaha

By Jan Escosio April 18, 2024 - 05:46 AM

Ang ilang oras na pag-ulan na nagdulot ng matinding pagbaha ay higit pa sa isang taon na ulan na nararanasan ng UAE. (GLOBAL INQUIRER PHOTO)

Sinabi ng Department of Migrant Workers (DMW) na wala pang Filipino na napabilang sa mga napaulat na nasawi at nasaktan dahil sa malawakang pagbaha sa Abu Dhabi at Dubai sa United Arab Emirates (UAE).

Ngayon ay naghahanda na ang Migrant Workers Offices (MWOs) ng mga pagkain at iba pang mga bagay na maaring kailanganin ng overseas Filipino workers (OFWs).

“There is no reported dead or injured Filipinos, we are hoping that this would remain so,” ang pahayag ng kagawaran.

Tinutukan ng DMW ang mga lugar na labis na apektado ng pagbaha at regular na inaalam ang kalagayan ng mga Filipino.

May ilang lugar sa UAE ang lumubog sa baha dahil sa pag-ulan na sinasabing higit pa sa nararanasan ng bansa sa loob ng isang taon.

Samantala, sinabi ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III na ipinagdadasal nila ng kanyang maybahay na si Kat ang OFWs na apektado ng pagbaha.

“We value the strong bonds of friendship and cooperation we share with Dubai and the entire United Arab Emirates. Let’s keep everyone, especially our fellow Filipinos, in Dubai in our thoughts and hope for their safety,” ani Pimentel.

 

 

TAGS: pagbaha, UAE, pagbaha, UAE

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.