DFA: Walang Pinoy na nadamay sa Saudi bombing

saudi bombing
AP

Inanunsyo ng Department of Foreign Affairs (DFA) na walang Pinoy na nadamay sa naganap na suicide bombing sa lungsod ng Medina sa Saudi Arabia.

Sinabi ni DFA Spokesman Charles Jose na inisa-isa ng mga opisyal ng Philippine Consulate sa Jeddah ang Filipino community sa lugar para alamin ang sitwasyon ng mga Pinoy doon.

Nauna nang sinabi ng Saudi Interior Ministry na apat ang namatay samantalang marami ang sugatan sa naganap na pagpapasabog sa Medina na isa sa mga pinaka-banal na lugar para sa relihiyong Islam.

Ayon sa DFA, nasa 1.2 Million ang bilang ng mga Pinoy na naninirahan o di kaya naman ay nagta-trabaho sa buong Saudi Arabia.

Karamihan sa kanila ay matatagpuan sa Jeddah at Riyadh.

Naglabas din ng babala ang DFA sa mga Pinoy sa Middle East na manatiling naka-alerto kaugnay sa mga pagsalakay ng mga armadong grupo partikular na ng ISIS.

Read more...