Dating konsehal sa Batangas, 15 iba pa huli sa gambling den

(WIKIPEDIA PHOTO)

Napabilang ang isang dating konsehal sa bayan ng Lobo, Batangas sa mga naaresto ng awtoridad sa pagsalakay sa isang gamblin den kamakailan.

Kasabay nito, inalmahan na ng maraming mamamayan ng bayan ang dumadaming pasugalan sa kanilang bayan.

Nabatid na matapos maaresto si Ridian Duenas at ang 15 iba pa, naaresto naman ng mga ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) ang 21 katao dahil sa jueteng.

Ipinagtataka din ng mga nagmamalasakit na mamamayan na ang mga sinalakay na gambling den ay malapit lamang sa munisipyo, ayon sa negosyanteng si Efren Ramirez.

Hiniling na lamang din nila sa pamahalaang-bayan na bigyan ng sapat na atensyon ang paglaganap ng mga ilegal na sugal sa Lobo at bigyan solusyon ang ugat nito, ang kahirapan.

Tiniyak din ni Ramirez na makakaasa ng suporta ang kanilang mga lokal na opisyal sa mga negosyante at ibat-ibang grupo sa Lobo sa kampaniya para masugpo ang mga ilegal na sugal sa kanilang bayan.

Dapat lamang aniya na hindi ituring ng mga opisyal na kalaban at pahirapan pa ang mga lokal na negosyante.

Read more...