Alert Level 2 sa Israel mananatili, biyahe ipagpaliban – DFA

By Jan Escosio April 17, 2024 - 01:19 PM

Mananatili lamang ang Alert Level 2 sa Israel. (FILE PHOTO)

Hindi pa kinakailangan na itaas ang alert level sa Israel sa kabila nang isinagawang drone at missile attack ng Iran sa Israel kamakailan, ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA).

Kayat nananatili ang Alert Level 2 sa Israel, nangangahulugan na ipinagbabawal pa ang pagpapadala ng overseas Filipino workers (OFWs).

Hinikayat din ng kagawaran ang mga Filipino na kung hindi naman mahalaga ang pagbiyahe sa Israel ay makakabuti na ipagpaliban na ito.

At kung kailangan na bumiyahe, nagbilin ang DFA, na mag-ingat na lamang ng husto.

“If travel to Israel is absolutely necessary, Filipinos are advised to follow all precautions. Furthermore, all Filipinos in the region are advised to be alert and updated with the security pronouncements of their host governments,” ang pahayag ng DFA.

Pinayuhan din ang mga Filipino na kasalukuyang nasa Israel na makipag-ugnayan sa kanilang community leaders, gayundin sa mga embahada at konsulado ng Pilipinas.

 

TAGS: Alert Level 2, Isarel, Alert Level 2, Isarel

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.