Bentahan ng “wang-wang” mas pinahihihigpitan ni Villanueva

By Jan Escosio April 17, 2024 - 12:47 PM

Bawal na ang wang-wang. (INQUIRER PHOTO)

Naghain ng panukalang-batas si Senate Majority Leader Joel Villanueva para sa ipagbawal ang ilegal na paggamit at pagbebenta ng “wang-wang.”

Sinabi ni Villanueva na ang inihain niyang Senate Bill No. 2635 o ang Anti-Wang Wang Act ay alinsunod sa  Administrative Order (AO) No. 18 na ipinalabas ni Pangulong Marcos Jr., na nagbabawal sa mga taga-gobyerno na gumamit ng wang-wang.

Ayon sa senador ang nalalagay sa alanganin ang kaligtasan ng mga motorista kapag may mga mga pulitiko at sibilyan na gumagamit ng wang-wang para mapadali ang pagbiyahe.

Dagdag pa ni Villanueva nakakawala din ng tiwala ng publiko ang paggamit ng wang wang.

“This bill aims to establish a cohesive framework to regulate and deter unauthorized use, ensuring proper use for appropriate cases like transporting patients which is aligned with the constitutional principle of protecting life and property and promoting general welfare,”  ani Villanueva.

Nakasaad sa panukala, pagmumultahin ng P1,000 hanggang P5,000 ang mga lalabag bukod pa sa suspensyon ng lisensiya sa pagmamaneho.

 

TAGS: multa, wang wang, multa, wang wang

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.