Chinese citizen huli sa sports car, mga baril at P3-M suhol

By Jan Escosio April 17, 2024 - 10:59 AM

Ilan sa mga nakumpiska sa bahay ng isang Chinese citizen sa Taguig City. (NCRPO PHOTO)

Inaresto ng mga tauhan ng NCRPO – Special Operations Group ang isang Chinese citizen sa pagsisilbi ng search warrant sa isang bahay sa Barangay Bambang, Taguig City.

Nabatid na ala-8:30 ng umaga noong nakaraang araw ng Linggo nang isilbi ang search warrant na inisyu ni Vice Executive Judge Bernard Bernal, ng Taguig RTC Branch70 sa No. 37 Lavender St., Mahogany Place 3.

Inilabas ang search warrant laban sa isang Haiqiang Su, 24, dahil sa hinihinalang paglabag sa RA 10591 o ang Comprehensive Firearms Law.

Sa paghalughog sa bahay, ibat-ibang mga armas at mga bala ang nadiskubre, bukod pa sa dalawang granada, tactical helmet na may markang “CHINA,” China flag, tatlong magkakaibang ID at mga tactical accessories.

Nakumpiska din ang isang McLaren GTR sports car na nagkakahalaga ng hanggang P30 milyon, isang Honqi electric SUV, isang KTM sports bike at isang electric bike.

Dalawang Chinese citizens ang inarestong ng pulisya maapos ang operasyon.

Samantala, habang iniimbestigahan ang dalawa sa RSOG Compound sa Camp Bagong Diwa, dumating ang isang Jerry Mari Cheng at nag-abot ng dalawang paper bag sa isa sa mga inarestong Chinese na si Zhuang Guangdong.

Nang buksan ng mga pulis ang paper bags, nakita ang maraming bungkos ng pera na nang bilangin ay nagkakahalaga ng P3 milyon at para sana sa pagpapalaya kay Zhuang.

Sa tagpong ito, inaresto na si Zhuang, samantalang nakatakas si Cheng.

 

TAGS: bribery, chinese, bribery, chinese

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.