Walang namatay sa P13.3-B shabu haul sa Batangas – PBBM
Nagtungo sa Alitagtag, Batangas si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., para personal na siyasatin ang nakumpiskang halos dalawang tonelada ng shabu.
“This is the biggest shipment of shabu na nahuli natin. But not one person died. Walang namatay, walang nagputukan, walang nasaktan. Basta’t in-operate natin na dahan-dahan,” aniya.
Patunay aniya ito na tama ang ginagawa ng kanyang administrasyon sa kampaniya sa droga at hindi sila magbabago ng taktika.
Nagkakahalaga ng P13.3 bilyon ang nakumpiskang droga na pinakamalaki sa kasaysayan ng bansa.
“Look at the success that we have gained. As I’ve said, not only this 1.8 tons, the many, many tons that we have already seized. So, it’s much more than it has been in the past. So, it is the most successful approach to the drug war so far,” dagdag pa ni Marcos.
Aniya iniimbestigahan na ang pinagmulan ng droga bagamat ang mga awtoridad ay naniniwala na ipinuslit ang mga ito sa Pilipinas.
Binalaan din niya ang mga sindikato ng droga na hindi hihinto ang mga puwersa ng gobyerno sa pagtugis sa kanila.
Kasabay nito pinuri ni Marcos ang lokal na pulisya sa pagkakahuli sa driver ng van sa isang checkpoint.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.