DFA tiwalang palalayain ng Iran ang apat na Pinoy seafarers
Kumpiyansa ang Department of Foreign Affairs (DFA) na palalayain ng Iran ang apat na Filipino seafarers na sakay ng Portuguese-flagged container ship MSC Aries.
Ibinahagi ni Undersecretary for Migrant Workers’ Affairs Eduardo de Vega maayos naman ang kalagayan ng apat na Filipino.
“Nasa mabuting kalagayan naman sila. Nakausap ang pamilya nila. At pinapangakuan sila na mapapalaya rin sila sa lalong madaling panahon,” ani de Vega.
“Tingin namin mapapalaya ang ating mga kababayan na hindi tatagal. Siyempre, kinakausap din natin ang mga taga Iran tungkol dito,” dagdag pa nito.
Ang Department of Migrant Workers (DMW) naman ang nakikipag-ugnayan sa manning agency ng apat at ang DFA ang kumakausap sa gobyerno ng Iran.
Kinubkob ng Revolutionary Guard ng Iran ang barko noong Abril 13.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.