Mga isyu sa Covid 19 special allowance pinareresolba sa DOH ng DBM
Pinatutukoy ng Department of Budget and Management (DBM) sa Department of Health (DOH) ang mga isyu na bumabalot sa mabagal na pagpapalabas ng health emergency allowance (HEA) sa healthcare workers.
Ginawa ni Budget Sec. Amenah Pangandaman ang panawagan dahil nakapagpalabas na sila ng P91.283 bilyon para sa mga benepisyo at allowances ng health workers.
“To date po, mula po nang nagsimula ang pandemic at saka po nagkaroon ng batas para mabigyan ng compensation ‘yung ating mga health workers, P91.283 billion na po ang nare-release ng DBM,” aniya.
Ibinahagi ng DBM na sa P91.283, P64 bilyon pa lamang ang naipamahagi ng DOH.
Nagpalabas din ang kagawaran ng P12.9 bilyon para sa Special Risk Allowance (SRA), P3.65 bilyon para sa Covid-19 Sickness and Death Compensation, at P1.4 bilyon para sa meal, accommodation, at transportation allowances.
May P19.962 bilyon nakapaloob sa 2024 General Appropriations Act na inilaan para sa mga hindi pa nababayarang special Covid 19 allowances.
“Yung budget po natin this year, ang ginagawa po natin is comprehensively released. Binigay na po natin lahat ‘yan sa DOH. So, sila po ang bahala mag-disburse,” dagdag pa ni Pangandaman.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.