Withdrawal of support call kay PBBM, sablay!- Jinggoy

By Jan Escosio April 16, 2024 - 05:58 AM

Pinoprotektahan lang ni Pangulong Marcos Jr. ang Piilipinas. 

Sinabi ni Senator Jinggoy Estrada na sablay ang sinasabing naging panawagan ng isang mambabatas ng Kamara sa mga sundalo na talikuran na si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Ayon kay Estrada na mali ang naging panawagan ni dating House Speaker Pantaleon Alvarez Jr.

Naniniwala ang namumuno sa Senate Committee on Defense na ang tanging nais lamang ni Marcos ay maprotektahan ang interes ng Pilipinas sa West Philippine Sea (WPS).

Ang pahayag ni Alvarez ay bunga ng kanyang oposisyon sa ilang polisiya ni Marcos ukols sa isyu sa WPS.

Sinabi ng senador na ang ginagawa ng Punong Ehekutibo ay pagtibayin ang alyansa ng Pilipinas sa ibang mga bansa at hindi lamang sa China.

Samantala, nabanggit ni Estrada na handa ang kanyang komite na busisain ang sinasabing pagpasok ni dating Pangulong Duterte sa isang “gentleman’s agreement” sa China ukol sa presensiya ng BRP Sierra Madre ng Philippine Navy sa Ayungin Shoal.

TAGS: China, WPS, China, WPS

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.