Mas malalim na pagdukot na sa bulsa ang gagawin ng mga motorista simula bukas dahil magkakaroon muli ng pagtaas sa presyo ng mga produktong-petrolyo.
Madagdagan ng P0.90 ang halaga ng kada litro ng diesel o krudo, P0.85 sa kerosene at P0.40 naman sa gasolina. Base ito sa magkakahiwalay na abiso ng mga kompaniya ng langis. Una nang sinabi ni Department of Energy-Oil Industry Management Bureau Director III Rodela Romero na ang pagtaas ng mga presyo ay bunga ng tumitiinding tensyon sa Gitnang Silangan. Aniya maaring mas mataas pa ang pagtaas sa mga presyo kung hindi nadagdagan ang imbentaryo ng langis ng Amerika. Noong nakaraang linggo, nadagdagan na ng P1.55 ang halaga ng kada litro ng diesel, P1.40 sa kerosene at P1.10 naman sa gasolina.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.