2 Navy pilots sa chopper crash dinala sa Libingan ng mga Bayani

By Jan Escosio April 12, 2024 - 05:07 PM

Ang pagdating sa Libingan ng mga Bayani ng dalawang nasawing Navy pilots.                                                      (PHILIPPINE NAVY PHOTO)

Binigyang parangal ng Philippine Navy sa Libingan ng mga Bayani ang kanilang dalawang piloto na nasawi sa pagbagsak ng kanilang training aircraft sa Cavite City kahapon.

Kinilala na ang dalawang nasawing military pilots na sina Lt. Jan Kyle Borres at Ensign Izzah Leonah Taccad, kapwa nakatalaga sa Naval Air Wing.

“”We pray for comfort and strength to surround the families and loved ones of Lt. Borres and Ensign Taccad during this time of profound grief and loss. Thank you for your service to the nation,” sabi ni PN spokesperson Commander John Percie Alcos.

Binigyan din ang dalawa ng parangal ng Naval Air Wing.

“As we close your flight plan, may your spirits rest in peace and look upon us, guiding us from the skies as we carry on with our missions. As we continue soaring the skies, we will always remember you in the blue vastness of the heavens,” dagdag pahayag pa ng PN.

Bumuo na ng isang investigating team para imbestigahan ang sanhi ng trahedya.

Bumagsak ang Robinson R22 helicopter ilang minuto lamang matapos lumipad sa Sangley Airport para sa flight training ala-6:30 kahapon ng umaga.

 

TAGS: Crash, philippine navy, Crash, philippine navy

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.