Price hike sa diesel, kerosene sa susunod na linggo asahan

By Jan Escosio April 12, 2024 - 11:27 AM

Taas-presyo uli sa susunod na linggo.

Inaasahan na ng mga kompaniya ng langis ang pagtaas muli sa halaga ng diesel o krudo at kerosene sa susunod na linggo.

Sa pagtatantiya, maaring nasa P0.80 hanggang P1.20 ang madagdag sa presyo ng kada litro ng diesel at P0.70 hanggang P1.10 naman sa kada litro ng kerosene.

Maari naman walang maging paggalaw sa presyo ng gasolina bagamat maari din itong tumaas o bumaba depende sa pagsasara ng trading ngayon araw.

Kung ibabase naman sa  Mean of Platts Singapore (MOPS) index, ang tinatayang pagtaas sa kada litro ng diesel ay P0.79, P0.81 sa kerosene at P0.004 sa gasolina.

Base sa datos mula sa Department of Energy (DOE), ngayon taon hanggang  noong nakaraang linggo, nagkaroon na ng P9.30 pagtaas sa presyo ng kada litro ng gasolina, P6.05 sa diesel at P1.40 sa kerosene.

 

TAGS: dagdag-bawas, oil price hike, dagdag-bawas, oil price hike

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.