Usapan hiniling ni Imee bago ang deadline ng PUV consolidation

By Jan Escosio April 12, 2024 - 10:52 AM

Sa darating na Abril 30 ang deadline ng consolidation requirement at sabi ni Pangulong Marcos wala ng extension.                                       (JAN ESCOSIO PHOTO)

Umaasa si Senator Imee Marcos na magkakaroon pa ng mga pag-uusap ang lahat ng stakeholders bago matapos ang deadline sa public utility vehicle (PUV) consolidation.

Kasunod ito ng pahayag ng kanyang nakakabatang kapatid, si Pangulong Marcos Jr., na hindi muling palalawigin ang deadline na itinakda sa Abril 30.

Naniniwala ang senadora na marami pang isyu na bumabalot sa kontrobersiyal na PUV Modernization program ang kailangan mabigyan ng linaw, tulad ng pagpopondo para sa modern jeepneys at requirements para sa transport cooperatives.

Idinagdag pa ni Marcos na kailangan din ganap na marinig ang damdamin ng mga estudyante, konsyumer at ang mga maapektuhan ng pagkasa ng programa.

Una nang inihain ni Marcos ang Senate Resolution 893 upang madinig ang saloobin ng stakeholders, gayundin ang pagkontra ng transport groups.

TAGS: deadline, PUVMP, deadline, PUVMP

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.