Chiz: Akin ang special plate ng sasakyan na nahuli sa EDSA Carousel Bus lane
Inangkin ni Senator Francis “Chiz” Escudero na pagmamay-ari niya ang sasakyan na hinuli dahil sa ilegal na paggamit ng EDSA Carousel Bus Lane.
Sa inilabas na pahayag ng kanyang tanggapan, inamin din ni Escudero na inisyu sa kanya ang “protocol plate” na nakakabit sa hinuling sports utility vehicle (SUV) ngunit aniya hindi ito awtorisado dahil ang sasakyan ay gamit ng personal driver ng kanyang kapamilya.
Inamin din ng senador na may pang-aabuso sa bahagi ng family driver dahil ilegal maging sa mga sasakyan na may nakakabit na “No. 7 protocol plate” na bumagtas sa itinakdal special bus lane.
Aniya inatasan na niya ang driver na humarap sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) para sagutin ang show-cause order at harapin ang anumang kaso isasampa laban sa kanya.
Banggit din ni Escudero na hindi niya ginagamit ang protocol plates at ang inisyu sa kanya na ginamit sa nahuling sasakyan ay isosoli na niya sa Land Transportation Office (LTO).
Pinapurihan din ng senador ang mga awtoridad sa pagpapatupad ng mga batas at aniya suportado niya ang mga pagsusumikap ng gobyerno na pantay na maipatupad sa lahat ang mga batas-trapiko.
Kasabay nito ang paghingi niya ng paumanhin sa publiko at sa mga kapwa senador sa pangyayari.
Tiniyak niya na nagagamit ng tama ang inisyu sa kanyang protocol plates alinsunod sa EO 56 series of 2024.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.