US footbal star OJ Simpson namatay sa cancer, 76

By Jan Escosio April 12, 2024 - 10:03 AM

Napawalang sala si OJ Simpson noong 1995 sa mga kasong kriminal kaugnay sa pagpatay sa dating asawa na si Nicole Brown at isa pa.         (INQUIRER PHOTO)

Namayapa noong Miyerkules ang football star at Hollywood actor na si OJ Simpson sa edad na 76.

Sa pahayag ng kanyang pamilya namayapa si Simpson sa Las Vegas dahil sa prostrate cancer.

Sumikat si Simpson sa paglalaro ng football at showbiz noong dekada ’90.

Nagulantang ang mundo nang maakusahan siya sa pagpatay sa kanyang dating asawa na si Nicole Brown Simpson at sa kaibigan nitong si Ronald Goldman sa Los Angeles, California noong Hunyo 1994.

Nasentensiyahan siya sa kasong sibil na may kaugnayan din sa mga pagpatay ngunit pinawalang sala sa kasong kriminal.

Nabigyan ng parole at nakalaya si Simpson noong 2017.

 

 

TAGS: dead, OJ Simpson, dead, OJ Simpson

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.