Inaprubahan ng National Food Authority (NFA) Council ang pagbili ng palay sa mga lokal na magsasaka sa mas mataas na halaga.
Layon nito na mapalaki ang buffer stock ng bigas sa bansa dahil matatapos na ang panahon ng anihan.
Nabatid na P23 hanggang P30 kada kilo ng “dry and clean” palay ang inaprubahang halaga mula sa P19 hanggang P23.
Samantala, ang P16 hanggang P19 kada kilo ng fresh palay naman ay bibilhin na sa halagang P19 hanggang P23.
Sinabi ni Agriculture Asec. Arnel de Mesa sa gagawin na hakbang inaasahan na maabot ang target na 300,000 metriko tonelada ng buffer stock ng bigas.
Nabatid na ang farmgate price sa ngayon ng palay ay P25 kada kilo hanggang P26.90.
“So, kung ang buying price ni NFA is PHP23, talagang wala siyang mabibili or very minimal… So, tinaasan ng konti para makahabol iyong NFA doon sa presyo na ino-offer ng trader sa ngayon,” sabi pa ni de Mesa.