Pabor ang ilang senador sa hindi na paggamit ng “wang-wang” ng lahat ng mga opisyal ng gobyerno base sa nais ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.
Sinabi ni Deputy Majority Leader JV Ejercito na panahon na upang matuldukan ang “feeling of entitlement” sa lahat ng mga opisyal sa paggamit nilang “wang-wang,” blinkers at escorts mula sa PNP-Highway Patrol Group.
Ayon naman kay Sen. Grace Poe dapat ay pantay-pantay ang lahat sa paggamit ng kalsada.
Aniya kung mahalaga ang biyahe ng mga opisyal ay nakakasiguro siya na importante din ang lakad ng mga ordinaryong mamamayan.
Sinabi naman ni Majority Leader Joel Villanueva hindi na dapat makadagdag pa sa trapiko ang ang mga opisyal at hindi hayaan na mga mamamayan lamang ang makaranas ng kalbaryo sa trapiko.
Dapat din aniya na higpitan na ang bentahan ng wang-wang, blinkers, dome lights at iba pang emergency devices.
Handa din sumunod si Sen. Bato dela Rosa sa nais ni Marcos upang magsilbing magandang ehemplo sa lahat.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.