Kinupirma ng Department of Migrant Workers (DMW) na dalawang overseas Filipin o workers (OFWs) ang kabilang sa mga biktima sa isang residential building sa Hong Kong.
“The latest victim is an elderly Filipina, now a permanent resident of the Hong Kong Special Administrative Region (HK-SAR). She was treated for smoke inhalation. She is receiving treatment at a local hospital. Due to her age, doctors decided to observe her condition further,” ayon sa kagawaran.
Samantala, ang isa pamg Filipino ay nasugatan naman nang basagin niya ang salamin na bintana upang hindi makulob sa makapal na usok.
Nananatili ito sa Princess Margaret Hospital para sa pagpapagamot ng mga tinamong sugat.
Sa mga naglabasan na ulat, lima ang nasawi at 30 ang nasugatan nang masunog ang ikalawang palapag ng New Lucky House sa Kowloon District.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.