Anti-dengue machines, cash donation ipinaabot ni Rep. Bernadette Herrera sa QC LGU
Nagkaloob ng anti-dengue misting machines at kalahating milyong piso si House Deputy Minority Leader Bernadette Herrera sa pamahalaang-lungsod ng Quezon. Nagsilbing tulay si Herrera ng Rotary Club of Kyoto Higashiyama sa Japan para sa anti-dengue misting machines, samantalang nagmula naman sa Philippine Rotary District 3780 ang P500,000 cash donation. Samantalang, sa pamamagitan ng Bagong Henerasyon Party-list ni Herrera ay napagkalooban din ng P3 milyon ang pamahalaang-lungsod para naman sa Assistance to Individuals in Crisis Situations (AICS). Magugunita na siyam na taon na nagsilbing konsehal ng unang distrito ng lungsod si Herrera at bahagi ito ng 23 taon ng pagiging serbisyo publiko. Ilan lamang sa inilunsad niyang programa sa lungsod ang “Computer on Wheels,” Mobile Clinic, “Skills on Wheels,” at TESDA scholarships. Nabanggit niya na sa unang tatlong buwan ng taon, 998 kaso ng dengue na ang naitala sa Quezon City, mas mataas sa 721 kaso sa kabuuan ng nakaraang taon. Nagpahayag din ng kanyang suporta si Herrera sa programa ni Mayor Joy Belmonte na malabanan ang kakakapusan ng edukasyon sa kanilang lungsod gayundin ang maayos na pamamahala base sa mga tamang datos. Ang ipinagkaloob ni Herrera na P500,000 mula sa Rotary District 3780 ay para sa Zero Illiteracy Program ng pamahalaang-panglungsod. Kumpiyansa ang mambabatas na maayos na magagamit, sa pamumuno ni Belmonte, ang pondo para sa QC Learning Recovery Program.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.