“Danger level” na heat indices posible ngayon, bukas – PAGASA

By Jan Escosio April 11, 2024 - 05:38 AM

Paghandaan, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), ngayon araw hanggang bukas ang mataas na heat index.

Ngayon araw, dagdag pa ng PAGASA, maaring makaranas ang Dagupan City sa Pangasinan ng 44°C heat index, na nagsimulang mairehistro sa lungsod noon pang Lunes.

Samantala, 43°C naman sa  Puerto Princesa City at Aborlan kapwa sa Palawan province, at 42°C sa Bacnotan, La Union at Roxas City, Capiz.

Bukas, maaring makaranas ng  43°C heat index sa Bacnotan, La Union; Puerto Princesa City, Palawan; Aborlan, Palawan; at Roxas City, Capiz.

At 42°C heat index naman ang maaring mairehistro sa Aparri at Tuguegarao City, kapwa sa Cagayan; San Jose, Occidental Mindoro; Zamboanga City, Zamboanga del Sur; at Cotabato City.

Panay paalala ng PAGASA na ang heat index mula  42°C hanggang 51°C ay maaring magdulot na ng heat cramps ay heat exhaustion na maaring humantong sa heat stroke kung matagal na mabibilidad sa araw.

TAGS: heat index, Pagasa, heat index, Pagasa

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.