12,246 nagparehistro para sa 2024 Bar exams

Umabot sa kabuuang 12,246 ang nagparehistro para sa tatlong araw na Bar examinations sa darating na Setyembre.                                           (INQUIRER PHOTO)

Inanunsiyo ng Korte Suprema na 12,246 ang nagparehistro para sa  2024 Bar Examinations.

Noong nakaraang Biyernes, Abril 5, ang huling araw ng pagsusumite ng aplikasyon.

Isasagawa ang Bar exams sa ilang pangunahing lugar s abansa sa Setyembre 8, 11 at 15.

Sa unang araw ang Political and Public International Law, Commercial at Taxation Laws; samantalang sa Setyembre 11 ang Civil Law, Labor Law, at Social Legislations; at sa huling araw ang Criminal Law, Remedial Law, Legal at Judicial Ethics with Practical Exercises.

Magtatalaga ang Korte Suprema ng mga  local testing centers (LTCs) sa mga pangunahing lungsod sa National Capital Region, Luzon, Visayas, at Mindanao.

Noong nakaraang taon, 3,812 sa 10,387 na kumuha ng Bar exams ang pumasa para sa 33.77 porsiyento.

 

Read more...