Higit P1/L dagdag sa gasolina, krudo at kerosene bukas
Kamot sa uli muli ang mga motorista dahil sa pagtaas ng presyo ng mga produktong-petrolyo bukas, araw ng Martes.
Sa magkakahiwalay na abiso ng mga kompaniya ng langis, P1.10 kada litro ang ipapatong sa presyo ng gasolina, P1.55 sa krudo o diesel at P1.40 naman sa kerosene.
Noong nakaraang linggo, tumaas ang halaga ng gasolina, samantalang nagbawas naman sa diesel at kerosene.
Tumaas na ng P8.20 ang kada litro ng gasolina ngayon taon, samantalang P4.50 naman sa krudo, ayon sa Department of Energy (DOE).
Ang paggalaw ng presyo ay dahil sa presyo ng langis ng pandaigdigang merkado na apektado ng mga tensyon sa ilang bansa, gayundin ang pagbabawas sa produksyon ng mga miyembro ng Organization of the Petroleum Exporting Countries Plus or OPEC+.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.