PBBM hinikayat ang publiko na maging bahagi ng mga solusyon sa trapiko
Hiniling ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos ang pakikiisa ng publiko sa isasagawang traffic summit sa Miyerkules, Abril 10.
Aniya nararapat na marinig ang suhestiyon ng sambayanan kung paano masosolusyunan ang sitwasyon ng trapiko.
“Makilahok din kayo kahit sa comments section para malaman namin ang iba niyong mga idea at mga naiisip ninyo,” ang panghihikayat ni Marcos.
Nabanggit pa ng Punong Ehekutibo na ang pagpapa-unlad sa mga katabing lalawigan tulad ng Cavite, Laguna, Pampanga at Bulacan ay kabilang sa mga praoridad para masolusyonan ang isyu sa trapiko.
Kasabay nto ang kanyang apila sa publiko ng pang-unawa dahil matagal talaga na natatapos ang mga malalaking proyektong pang-imprastraktura.
Nanawagan na din siya sa mga motorista at mananakay na maging disiplinado at sumunod sa mga batas-trapiko.
“Ang higit nating kakulangang mga Pilipino sa daan ay ang disiplina. Dapat susunod tayo sa traffic rules. Para tayong mauubusan lagi ng kalye. Bago man ang kalye, kung luma pa rin ang ugali natin, eh wala rin,” aniya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.