Remulla: Walang kondisyon sa pagsuko ni Pastor Quiboloy
Sinabi ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na hindi maaring magtakda ng kanyang mga kondisyon si Pastor Apollo Quiboloy para sa kanyang pagsuko.
Diin ni Remulla ang nararapat gawin ng nagtatag ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC) ay harapin ang mga kasong kinahaharap kaugnay sa RA 7610 ang Anti-Child Abuse Law.
Ayon pa sa DOJ hindi maituturing na mahina ang kasong isinampa laban kay Quiboloy dahil sa presensiya ng mga direktang ebidensiya para mapatunayan ang elemento ng paglabag sa batas.
Tiniyak ng kalihim ang kaligtasan ni Quiboloy kapag sumuko ito.
“No one is above the law, even if one occupies an important position in this religious organization,” aniya.
Dagdag pa niya: “Quiboloy cannot impose any condition. He must surrender not according to his terms of the law. The law applies to all without exception.”
Naglabas na ng warrant of arrest ang isang korte sa Davao City para kay Quiboloy at may hinihintay pa na magmumula naman sa isnag korte sa Pasig City para sa kasong qualified trafficking.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.