Transport chief sinabing walang dagdag na motorcycle taxis

By Jan Escosio April 08, 2024 - 11:41 AM

Nilinaw ni Transportation Sec. Jaime Bautista na ang dagdag 8,000 motorcycle taxi units ay hindi para sa Metro Manila.

Timuldukan na ni Transportation Secretary Jaime Bautista ang mga panawagan para sa karagdagang motorcycle taxis sa Metro Manila.

Ayon kay Bautista sa sapat na ang bilang ng motorcycle taxis sa Kalakhang Maynila at ang pagdaragdag ay maaring makaapekto na sa kabuhayan ng iba.

Nilinaw din niya na ang inanunsyo ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na binabalak na dagdag 8,000 units ay sa labas ng Metro Manila.

“Tigil na ang pagdaragdag ng LTFRB ng MC taxi service slots at yung nadagdag na 8,000 slots ay para lamang sa labas ng Metro Manila dahil may kakulangan nito sa probinsiya,” sabi ni Bautista.

Dagdag pa ng kalihim na hihintayin na lamang niya ang rekomendasyon ng MC Taxi Technical Working Group kaugnay sa isinasagawang pilot study ukol sa motorcycle taxi service.

Una nang nanawagan ang National Confederation of Tricycle and Transport Operators and Drivers Association of the Philippines (NACTODAP) na huwag nang dagdagan ang motorcycle taxi units.

TAGS: Motorcycle Taxi, NACTODAP, Motorcycle Taxi, NACTODAP

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.