Pag-amyenda sa Building Code makakatulong sa mabilis na Internet connectivity

By Jan Escosio April 08, 2024 - 11:26 AM

                                                    (FILE PHOTO)

Kumpiyansa ang isang research group na malaki ang maititulong ng pag-amyenda sa National Building Code (NBC) para mapabilis ang Internet connectivity sa bansa.

Base sa pahayag ng  Stratbase ADR Institute kailangan nang rebisahin ang NBC para makatulong na makamit ang digital transformation sa bansa.

Iginiit na nang mabuo ang NBC noong 1977 ay wala pang Intenet kundi tanging kuryente at tubig lamang ang itinuturing na mahalaga para sa negosyo at kabahayan.

Suhestiyon pa ng grupo na sa pag-amyenda sa NBC ay bigyan na ang internet service providers ng sapat na lugar para magtayo ng fiber optic cables at equipment upang mas mabilis na maka-access sa internet ang mga Pilipino.

“Broadband internet connectivity has emerged as one of the most basic needs in today’s world. It only follows that property development, both in the public and private sectors, should provide the internet service providers access to adequate space to install the necessary fiber optic cables and equipment that would deliver services to tenants and occupants,” ani Stratbase ADR Institute head, Prof. Victor Andres Manhit.

Sa datos ng Department of Information and Communications Technology (DICT), 65 porsiyento pa ng populasyon ng bansa ang wala pa ring internet.

At ayon sa Statista Research pagsapit ng 2028 ay tinatayang 77.81 porsiyento pa lamang ng mga Filipino ang may Internet access.

Naaprubahan na sa Kamara ang panukalang pag-amyenda sa NBC.

 

TAGS: Internet, National Building Code, Internet, National Building Code

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.