Mag-asawa at dalawa nilang apo, patay sa sunog sa Camarines Sur
Patay ang apat na miyembro ng isang pamilya matapos na masunog ang pag-aari nilang hardware sa bayan ng Sipocot, Camarines sur
Ayon kay Municipal Fire Marshall Inspector Ramon C. Gregorio ng Sipocot Fire Station, nagsimula ang sunog alas 4:44 ng umaga na umabot lang sa 2nd alarm.
Nang maapula ang apoy at mapasok nila ang nasunog na An-An marketing, nakita nila ang wala nang buhay na mag-asawang sina Alice Lipiao at Antonio Lipiao kapwa 70-anyos malapit na sa back door exit ng hardware.
Sa banyo naman ng establisyimento, nakita ang wala na ring buhay na dalawang apo ng mag-asawang Lipiao na sina Alexie Lipiao-Espiritu, 12-anyos at kapatid niyang si Shubie Lipiao-Espiritu,14-anyos.
Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni Gregorio na mabilis ang naging pagkalat ng apoy sa loob ng hardware dahil mayroong nakaimbak na mga pintura sa loob nito.
Patuloy pa ang imbestigasyon sa kung ano ang pinagmulan ng sunog.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.