Simbahan sa NegOcc sinalaula, pansamantalang isinara
Inanunsiyo ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) na pansamantalang sarado ang isang Simbahang Katoliko sa Binalbagan, Negros Occidental matapos na masalaula.
Nabatid na ala-6:30 ng umaga noong Miyerkules nang idiretso ng isang 39-anyos na lalaki ang minamanehong tricycle sa altar ng San Isidro Labrador Church habang isineselebra ang Banal na Misa.
Ilang imahe sa simbahan ang napinsala, kabilang ang Crucifix sa altar.
Sinabi ni Bishop Louie Galbines ng Diocese of Kabankalan mananatiling sarado ang simbahan para bigyan daan ang gagawing pagsasa-ayos at upang makapag-penitensiya ang mga parokyano sa insidente.
“I pastorally enjoin everyone to refrain from causing more pain to anyone,” ani Galbines.
Nasa kustodiya na ng pulisya ang lalaki at mahaharap sa mga kaso bagamat hindi pa malinaw ang motibo sa kanyang ginawa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.