48 drug personalities, sumuko sa Tacloban City
Umabot na sa 48 “drug personalities” ang kusagn sumuko sa mga otoridad sa Tacloban City mula sa iba’t ibang barangay sa lungsod.
Ayon sa Tacloban City Police Office, ang 48 ay nagsisuko mula noon lamang July 2.
Umaga aniya ng Hulyo 2, mayroon nang 22 na sumuko na pawang mula sa Barangay 54-A Magallanes, habang noong hapong iyon, may karagdagang pito na sumuko mula sa Barangay Sta. Elena.
Noon namang July 3 at 4, mayroong anim na sumuko mula sa Barangay 39 Siren, anim mula sa Anibong District at pito mula pa rin sa Sta. Elena.
Sa 48 na sumuko, anim sa kanila ay mga “high value targets” sa lungsod at mayroong walo na “street-level pushers”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.