Apat na OFW nasaktan sa Taiwan magnitude 7.5 quake

By Jan Escosio April 05, 2024 - 06:50 PM

Ang “X” post ni DMW OIC Hans Leo Cacdac ukol sa ikaapat na OFW na nasaktan sa malakas na lindol sa Taiwan noong Miyerkules.             (DMW FB PHOTO)

Kinupirma ng Department of Migrant Workers (DMW) na apat na overseas Filipino workers (OFWs) na ang kabilang sa daan-daang nasaktan sa magnitude 7.5 earthquake na yumanig sa Taiwan noong Miyerkules, Abril 3.

Sa kanyang “X” account, inanunsiyo ni DMW Officer-in-Charge Hans Leo Cacdac na Filipina ang ikaapat na biktimang Filipino.

“She sustained head injuries due to falling debris. She is out of harm’s way and is being treated by a doctor,” ang “X” post ni Cacdac.

Kasabay nito, tiniyak ni Cacdac na ang kanilang  Migrant Workers Offices sa  Taipei, Taichung, at Kaohsiung ay patuloy na nakasubaybay sa kalagayan ng mga OFWs sa Taiwan.

Ang apat na OFWs ay nakalabas na ng ospital matapos magamot.

 

TAGS: ofw, Taiwan, ofw, Taiwan

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.