Official ng DILG, PNP huli sa paggamit ng EDSA carousel bus lane

(FILE PHOTO)

Hindi pinalagpas ng mga tauhan ng Special Action and Intelligence Committee for Transportation (SAICT) ang isang opsiyal ng Department of the Interior and Local Government (DILG) at Philippine National Police (PNP) dahil sa ilegal na paggamit ng EDSA Carousel Bus Lane.

Hindi na kinilala ang dalawang opisyal bagamat kapwa naisyuhan ng citation ticket dahil sa paglabag.

Nabatid na ang opisyal ng DILG ay sakay pa ng isang government service vehicle, samantalang ang PNP official naman ay sakay ng isang pribadong sasakyan.

Kabilang ang sasakyan ng opisyal ng PNP sa 10-vehicle convoy.

May mga ambulansiya din na kabilang sa 16 sasakyan na hinuli dahil wala naman sakay na mga pasyente.

 

 

 

 

Read more...