OKC fans, galit sa paglipat ni Kevin Durant sa Warriors; jersey ni Durant, sinunog bilang protesta

kevin durantMasama ang loob ng fans ng koponan sa NBA na Oklahoma City Thunder sa paglipat Kevin Durant sa ibang team.

Ilang oras matapos na ihayag na si OKC star Durant ay pipirma na ng kontrata bilang bagong manlalaro ng Golden State Warriors, maraming basketball fans ang nagulat.

Kabilang na rito ang fans ng OKC na inilabas sa social media ang kanilang galit sa naging desisyon ni Durant.

Marami ang nag-post sa twitter ng video na nagpapakita habang sinusunog nila ang kanilang Durant jersey.

Inanunsyo ng 27-anyos na si Durant ang kanyang desisyon kasabay ng pagsasabi na ang hakbang ay bahagi ng kanyang pagpupursige na mas maging mahusay sa kanyang propesyon at mapagbuti ang kanyang pagkatao.

Batid din niya aniya na maraming mga fans ang malulungkot at madidismaya sa kanyang desisyon ngunit tiwala itong tama ang kanyang magiging hakbang.

Read more...